Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak Ako'y lalagay kung may bagabag, Siya ang sa akin ay magliligtas, Maglalayo sa dalita't hirap.
REFRAIN
Sa lilim ng Kanyang pakpak Ligtas ako't panatag, Ang puso N'yang puspos ng habag Sa aki'y mag-iingat.
Nasa lilim ng Kanyang mga pakpak Ang sa lumbay mabisang panlunas, Kung sa akin ay wala nang lilingap Doon ako'y magtatamong habag.